20 Abril 2025 - 14:07
Ipinagpapatuloy ng Amerika ang pananalakay nito laban sa Yemen at naglulunsad ng serye ng mga pagsalakay sa iab pang mga lungsod

Ipinagpapatuloy ng Estados Unidos ang pananalakay nito laban sa Yemen, sa pagtatangkang pigilan ang Sanaa na ipagpatuloy ang suporta nito para sa Gaza. Ang ilang serye ng mga airstrike ay naka-target sa mga lungsod ng Sanaa, sa Saada at sa Al-Jawf.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl Al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Iniulat ng koresponden ng Al-Mayadeen noong isang araw, Biyernes, na ang US Air Force ay naglunsad ng 6 na pagsalakay sa Distrito ng Bani Hushaish, sa hilagang-silangan ng Yemeni capital, sa Sanaa, na kung saan nagta-target sa ilan ang mga lokasyon, sa Sanaa.

Sa Al Jawf Governorate, apat na rin airstrike ang naka-target sa Distrito ng Bart Al Anan at sa Al Yatmah area, sa Khab at sa Distrito ng Al Sha'af, sa hilagang-silangan ng Yemen.

Ang Saada Governorate, sa hilaga ng Yemen, ay sumailalim din sa tatlong airstrikes.

Sa kontekstong ito, si Mohammed Ali al-Houthi, isang miyembro ng Supreme Political Council ng Yemen, ay nagpatunay na ang pagsalakay ng US laban sa Yemen ay bumubuo ng isang sinasadyang krimen sa digmaan, na binabanggit na ang pag-target sa mga pasilidad ng sibilyan, tulad ng Ras Isa Port, ay bumubuo ng organisadong terorismo at direktang suporta para sa Israeli entity.

Noong Huwebes naman, ang koalisyon na pinamumunuan ng US ay naglunsad ng isang serye ng mga marahas na airstrike sa lungsod ng Hodeidah, na gumawa ng masaker laban sa mga sibilyan at sa mga manggagawa, sa lungsod ng Ras Issa port. Ang koalisyon ay naglunsad ng 14 na mga airstrike sa mga pasilidad ng daungan at sa mga tangke ng langis at gas, na kung saan pumatay ng mahigit sa 80 pang mga sibilyan at iba pa ang mga nasugatan, na kung saan umabot pa ng 160 ang iba pa, ayon sa isang paunang toll, ayon sa Ministri ng Kalusugan.

..............

328

Your Comment

You are replying to: .
captcha